Talking about Latin honors…

Ang magtapos nang may Latin honors — maraming nangarap, maraming muntik nang umabot, maraming nanghinayang at maraming nagsisi. Ako? Pinili kong hindi subukan.
Noong nagtapos ako ng high school, inisip ko kung ano kaya ang gusto kong buhay kapag nag-college na ako. Syempre, bago na lahat eh. I mean, blank lahat. Wala namang nakakakilala sa akin sa college. It really is a new beginning. Pwede kong piliing maging pasaway, masunurin, tahimik, maingay, matalino, GC o bumagsak. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko noon pero sabi ko, gusto ko ng “iba”. Tinanong ako minsan nung isa kong kaibigan sa high school kung ano raw ba ang pakiramdam ng laging umaakyat sa stage at tumatanggap ng medal. Sabi ko, “Masaya.” Masaya kasi nabibigyan ko ng something to be proud of ang mga magulang ko. Masaya kasi alam kong masaya ang mga magulang ko. For twelve years, I gave my parents the acknowledgment they deserve. Noong tinanong ako nung kaibigan kong ‘yun, napaisip ako. Paano kaya kung nag-iba ang ihip ng hangin?
Pinili kong maging iba sa nakagisnan kong “Herielle”. Ginawa ko lahat ng mga hindi ko pa nagagawa. Tinahak ko ang daang hindi ko pa napupuntahan. Natapos ang apat na taon ko sa kolehiyo. Hindi ako nagtapos na may Latin honors.
Noong nilabas na ‘yun final list ng honor graduates, nakaramdam ako ng panghihinayang. Bakit nga ba hindi ko sinubukan man lang na abutin ‘yun? Sana, kung sinubukan ko, mas maluwag sa loob ko na hindi makita ang pangalan ko doon kasi alam ko na ibinigay ko ang lahat. Nag-reflect ako. Binalikan ko ang apat na nagdaang taon. Nakita ko kung ano yung kapalit nung Latin honors. Academically speaking, pareho lang naman kami ng natutuhan ng mga kasama ko. Hindi naman palibhasa mas mataas ang grade niya eh ibig sabhin, mas marami siyang natutuhan. Nakuha ko naman lahat ng kailangan kong makuha sa college — scholarship, knowledge, skills, experiences, friendship and above all, countless, priceless memories. With all those mentioned, I’m going back to the statement I used to say when I was still in my freshman college year, “Grades won’t define you”. Hindi mahalaga kung hindi sobrang taas ng grade ko. Ang mahalaga, marami akong natutuhan noong college na hindi matutumbasan ng kahit anong medal at alam kong kapag binalikan ko ang college, may babalikan ako. I became the person I want to be. I didn’t live up to anybody’s expectations. What matters most is the fact the I really enjoyed my four years of stay in college. No regrets.
Sa mga magulang ko, alam ko pong maiintindihan ninyo ako. Alam kong proud pa rin kayo sa akin no matter what. Thank you for letting me be who I wanted to be. Salamat kasi hindi kayo katulad nung ibang magulang na ipinipilit sa anak nila ang gusto nila. Thank you Daddy. Thank you Mommy.
Para sa mga incoming college freshmen, enjoy your college life. Huli na ‘to. Gawin ninyo kung ano ang makakapagpasaya sa inyo. Hindi mahalaga kung ano ang iisipin ng iba. Ang mahalaga, ikaw yan at naging masaya ka. After all, as Aristotle had said, happiness is the ultimate purpose of human existence.
Now, what’s left for me to do is to put sixteen long years of study into good use. Robert Frost said that one must dare to take the road not taken. Dare not to be famous but to be great. Okay. Challenge accepted. Real world, prepare for my arrival!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s